Ano ang ritwal ng binyag katoliko Ano ang ritwal ng binyag ng mga Katoliko? Sa pagsasagawa ng binyag ng mga Katoliko, maraming ritwal ang kaugnay nito . Ito ay may sinusundan na proseso at may pagpapahalaga sa mga bagay na gagamitin sa binyag. Ngunit bago tayo dumako sa mga ito, marapat lamang na malaman muna natin ang ibig sabihin ng sakramento ng binyag. Ano nga ba ang kahulugan ng binyag? Ang binyag ay isa sa mga sakramento ng mga Romano Katoliko. Ito ay isang paraan ng pagiging parte ng Simabahang Katoliko at pagtanggap sa mga paniniwala ng relihiyong ito. Ito rin ay ang paraan upang malinis tayo sa kasalanan ng ating mga unang magulang na sina Adan at Eba. Ang kasalanan na ito ay tinatawag sa Ingles na "original sin". Ang sakramento ng binyag ay ang unang seremonya na kailangang gawin pagkapanganak ng isang sanggol na Katoliko. Para sa dagdag na kaalaman ukol sa sakramento ng binyag , maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/210377 Ang seremonya ng p...
Comments
Post a Comment