Ugali Na Donya Victorina

Ugali na donya victorina

El Filibusterismo

Donya Victorina:

Sa nobelang ito ipinakilala si Donya Victorina bilang isang babaeng Pilipina na magiliw sa mga banyaga lalo na sa mga kastila. Isa siyang tagapagsilbi na naimpluwensyahan ng husto ng mga kastila sa pananamit, pag uugali, at paniniwala. Maging ang kanyang paninigarilyo at pananabako ay nakuha niya mula sa mga espanyol. Sapagkat nais niyang magmukhang kastila, panay ang lagay niya ng mga kolorete sa mukha. Sa kanyang kilos at gawi masasalamin ang panggagaya niya sa mga babaeng kastila. Siya ay larawan ng mga Pilipina na hindi marunong tumanggap ng sariling pagkatao at lahing pinagmulan. Sila yung mga Pilipinong nasa ilalim ng "colonial mentality".

Ang pagnanais ni donya Victorina na maging kastila ay nanggaling sa mababang paningin niya sa kanyang sarili at pagnanais na pantayan ang mga kastila upang makakuha ng mataas na pagtingin at respeto mula sa iba. Kalakip nito, nais niyang magmukha bilang isang totoong kastila kaya naman halos paputiin na niya ang buong katawan sa mga kolorete, gawing rosas ang kulay ng mga pisngi, at papulahin ang mga labi na tulad ng mga kastila. Sinikap din niya na makapangasawa ng isang kastila upang literal na malahian ng dugong kastila. Nakipag isang dibdib siya kay don Tiburcio de Espadana na dating opisyal ng Aduana na natanggal sa serbisyo matapos na mapilay ang isang paa.

Read more on

brainly.ph/question/2132448

brainly.ph/question/546105

brainly.ph/question/1262603


Comments

Popular posts from this blog

How Does The Heart Function As A Pump

10 Payo Ng Magulang?

Do The Following Exercises. 1. Give 3 Examples Of Well-Defined Sets.