Sa Paanong Paraan Tumutol Si Pilosopong Tasyo Sa Paglulustay Ng Salapi Ng Bayan Ng San Diego Sa Araw Ng Kapistan
Sa paanong paraan tumutol si pilosopong tasyo sa paglulustay ng salapi ng bayan ng san diego sa araw ng kapistan
Noli Me Tangere
Kabanata 29: Ang Umaga
Ipinakita ni Pilosopo Tasyo ang kanyang pagtutol sa paggastos ng salapi ng bayan ng San Diego sa araw ng kapistahan sa pamamagita ng pagsusuot ng simple at pangkaraniwang kasuotan. Sinabi rin niya kay Don Filipo ng batiin siya nito ng umaga ng pista na ang pagsasaya ay hindi nangangahulugan ng paggawa ng mga hindi kanais nais. Ito lamang daw ay pagtatapon ng pera na siyang karaniwang idinaraing ng tao. Batid niya na ang tao ay dumadaing sa kahirapan at paghihikahos ngunit nagagawa ng marami na magsuot ng magarang kasuotan sa araw ng pista at maggayak ng hapag kainan ng sobra sa inaasahan.
Ang kanyang mga naging tugon na iyon ay sumasalamin sa pagiging praktikal ni Pilosopo Tasyo. Batid niya na sa tuwing gumagastos ang mga tao ng salapi, ang mga kura ang syang unang nakikinabang. Ang paghahanda ng masasarap na pagkain sa araw ng pista at pananamit ng magara ay hindi mahalaga para kay Pilosopo Tasyo. Sapat na para sa kanya ang makapag suot ng malinis at maayos na damit. Hindi rin mahalaga kung ano ang nakahain sa mesa bastat hindi kumalam ang sikmura. Bagay na sinang ayunan ni Don Filipo bilang tinyente mayor ngunit hindi nais ng kapitan at ng alperes.
Read more on
Comments
Post a Comment